Great great news Telepreneurs!

TPC Raffle Promo Mechanics:
1. Ang lahat ng System Owners/Users ng Telepreneur Corporation (TPC) na nag-opt in o sumang-ayon makatanggap ng text broadcasts mula sa TPC, ay maaring sumali sa promo.

2. Ang bawat miyembro ay makakakuha ng 1 electronic raffle entry sa mga sumusunod na transaction:

Bawat Php 300 na Load Pocket conversion sa Smart, TNT at Sun

1 Electronic Raffle Entry

Bawat isang (1) bagong miyembro o reseller na mare-recruit o maa-activate na gagamit Smart, TNT or Sun na SIM card

1 Electronic Raffle Entry

3. Ang mga naipon na electronic raffle entries ay kasali sa Monthly, Quarterly and Grand Draws.

4. Ang mananalong miyembro ay dapat “active” at may loading transaction ng nakaraang buwan para mag qualify na panalo.

5. Ang mga miyembrong mananalo ng higit pa sa isang premyo sa bawat raffle draw ay makakamit ang premyong mas malaki ang halaga. Muling bubunot ng mananalo para sa premyong may mas mababang halaga.

6. Lahat ng mananalo sa raffle draw ay tatawagan at makakukuha ng advise kung paano ang pag-claim ng napanalunan mula sa TelePreneur Corporation (TPC). Kung ang nanalong number ay hindi ma-contact o nagre-reply sa TPC sa loob ng 30 days matapos ang raffle, forfeited na ang kanyang napanalunan at ang premyo ay muling ipapa-raffle sa ibang nag-qualify

7. Ang mananalo ng Grand Prize na Toyota Wigo ay kailangang “active” ang number sa oras ng Grand Draw at matatawagan upang ma-kumpirma ang kanilang pagkapanalo. Kung hindi mako-contact ang number na nanalo sa Grand Draw, muling pipili ng bagong mananalo.

8. Maglalabas ng official announcement ang TelePreneur Corporation (TPC) para sa listahan ng mga nanalo sa raffle draws.

9. Ang mga premyong hindi na-claim ng mga nanalo sa loob ng 90 days matapos makatanggap ng notification mula sa TPC ay ifo-forfeit at ipapa-raffle muli ng TPC sa ibang nag-qualify.

10. Ang mga mananalo ng mga premyong may halagang higit sa Php 10,000.00 ang siyang magbabayad ng kaukulang 20% winner’s withholding tax bago nila matanggap ang kanilang mga premyo.

11. Promo period: March 1 – December 31, 2018

Send message via your Messenger App